PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

StarStruck V finalist Nina Kodaka wants to continue workshops even after the competition

Nina thinks her stiffest competitor is Sarah Lahbati.
by Erwin Santiago
Published Jan 23, 2010
"Kailangan kong mag-improve. So [kung] anong pinapagawa nila sa akin, focus lang po ako. Halimbawang kailangang magalit sa acting, kung kailangang sampalin ko sarili ko, sinasampal ko pag acting po, para magalit," says Nina Kodaka.

Kung ang ibang StarStruck V contenders ay naging mahaba ang mga sagot sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanila, sa kaso ng Filipino-Japanese na si Nina Kodaka ay tila naging isang tanong, isang sagot ang aming pag-uusap.

Si Nina, na lumaki sa Japan, ang isa sa tatlong contenders na nagmula sa international auditions na nakapasok sa Final 14 ng StarStruck V. Ang dalawa pa ay sina Rye Burgos (Los Angeles, California) at Zeryl Lim (Bahrain). Pareho nang tanggal sina Rye at Zeryl kaya si Nina na lang ang natitira sa competition, along with seven other finalists na sa Pilipinas lahat nag-audition.

Maganda ang mukha ni Nina, pero napansin rin ang kakulangan niya ng energy sa pagsasalita at sa mga challenges. Pero lately ay napapansin na ng viewers at maging ng StarStruck Council—na binubuo nina Direk Floy Quintos, aktres Iza Calzado, at TV host-talent manager na si Manay Lolit Solis—ang improvement ng energy ni Nina sa kanyang mga performances.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pocket presscon na ipinatawag ng GMA-7 para sa walong natitirang finalists noong January 20 ay biniro ng PEP si Nina kung may energy na ba siya.

"Opo," very alert nang sagot ng 20-year-old showbiz hopeful.

Ayon kay Nina, umiinom na raw siya ng vitamins para magkaroon ng energy at para makayanan ang araw-araw nilang schedule sa talent search show.

Narito ang ilan sa pag-uusap namin ni Nina:

PEP: Ano ang naging dahilan at mukhang nadagdagan na ang energy mo?

NINA: Nanay ko po. Sabi niya po sa telepono, sabi niya, huwag ko na daw po sila isipin, ang kalaban mo, ako lang.

PEP: So, hindi mo na iniisip ang competition?

NINA: Opo. Kasi once na inisip ko na competition 'to, parang nawawala po yung focus kung anong dapat na gawin kong best. Iniisip ko lang na workshop. Kailangan kong mag-improve. So [kung] anong pinapagawa nila sa akin, focus lang po ako. Halimbawang kailangang magalit sa acting, kung kailangang sampalin ko sarili ko, sinasampal ko pag acting po, para magalit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PEP: Nararamdaman mo na ba ang pressure ngayong apat na lang kayong natitirang babae—ikaw, sina Sarah Lahbati, Diva Montelaba at Rox Montealegre?

NINA: Siyempre po, nararamdaman ko.

PEP: Sino sa tingin mo ang mahigpit na kalaban mo?

NINA: Sarah?

PEP: Why?

NINA: Unang-una po, humble siya. At sa tingin ko, nakikita rin ng tao yun, na mabait siya.

PEP: What about sa talent? Kasi talent competition 'to, di ba?

NINA: Noon kasi nag-shine na siya nang sobra-sobra, nung marami pa kami. Ngayon kasi, parang nape-pressure siya na mataas ang expectation ng mga tao sa kanya. Meron pa siyang kayang ilabas, kayang-kaya niya pa po.

PEP: Kaya mo bang tapatan yung ginagawa niya?

NINA: Kakayanin ko. Kailangan ko pong kayanin, kailangan ko pong magawa. Kasi ngayon lang po ito, e, hindi na mauulit po itong competition na ito.

PEP: Ano ang nagawa sa 'yo ng StarStruck personally?

NINA: Personally, maging conscious sa mga suot ko. Kasi papunta lang ng GMA, kailangan maganda daw yung suot, ganyan-ganyan. Tapos, ano pa po ba? Yung na-realize ko sa sarili ko na, lalo ko na-realize sa sarili ko na gusto ko po talaga 'tong ginagawa ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

PEP: Nararamdaman mo na bang artista ka na ngayon?

NINA: Hindi po. Siguro ano, kahit matapos yung StarStruck, hindi ko matatawag na artista kami hangga't hindi pa po kami nabibigyan ng project.

PEP: Madalas kayong ipagkumpara ng StarStruck Avenger na si Iwa Moto dahil pareho kayong Fil-Japanese. Nagkita na ba kayo ni Iwa?

NINA: Kahapon po... sa elevator lang po.

PEP: Sinong unang bumati?

NINA: Ako po.

PEP: Ano ang sinabi mo sa kanya?

NINA: Sabi ko, "Hello po!" Sabi niya, "Hi!" Tapos nakasabay ko po siya sa elevator.

PEP: Kaya mo ba yung ginawa ni Iwa na pagpapa-sexy at pagkokontrabida? O ikaw yung magiging opposite niya?

NINA: Siguro magiging opposite po. Kasi hindi na po kailangan ng dalawang character sa isang GMA. Gusto ko po siya makasama sa work para makapag-usap kami about sa mga Japan. Gusto ko po siya maging kaibigan.

PEP: Sa lahat ng mga naging tests ninyo sa StarStruck, ano yung pinakamahirap na challenge para sa 'yo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NINA: Nitong StarStruck? Siguro yung acting po, Kiss Flick po.

PEP: Never been kissed ka pa ba?

NINA: Hindi naman, pero... E, crush pa naman nung best friend ko si Steven [Silva, partner niya sa Kiss Flick]. Kaya ano, sobrang ilang... Dumi-distance ako kasi ayokong isipin ng best friend ko na nakikipag-close ako sa kanya [Steven]. Tapos sa Kiss Flick, di ba, nag-kiss kami? Pero sa ibang boys po, hindi po ako maiilang.

PEP: Pero crush lang naman ng best friend mo si Steven at wala naman silang relasyon, di ba? What if kayo ang pagtambalin ni Steven, kasi magandang combination, Fil-Am at Fil-Japanese?

NINA: Okay lang po... Kasi talagang sa paningin ko rin po sa TV, talagang kami yung bagay.

PEP: May crush ka ba sa showbiz?

NINA: Wala po.

PEP: Sa mga taga-StarStruck?

NINA: Wala na po. Dati po meron, si Rye.

PEP: Nagkikita pa ba kayo ni Rye?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NINA: Wala na rin po kami communication.

PEP: Bakit, bumalik na ba siya sa States?

NINA: Nasa Pilipinas pa po yata siya... Kasi pinapalayo [siya] sa akin ng mga GMA, kasi tanggal na siya sa StarStruck. Kumbaga, parang ano, hindi na kailangan mag-ano... Hindi yung crush talaga na ano, di ba? Parang kung yun ang magiging tingin sa akin ng ibang tao na, yung hindi maganda na kami magsasama, e, lalayuan ko na lang siya.

PEP: Bakit sa tingin mo ikaw dapat ang maging Ultimate Female Survivor?

NINA: Kasi po, sila [other contenders] puwede na po silang mag-artista kahit ngayon pa lang, kasi magagaling sila. May career na sila, e. Alam na ng mga director na magaling na sila Sarah, sila Diva, di ba? Kaya maraming kukuha sa kanila. Ako, gusto ko pong tapusin yung mga workshop kila Ms. Gina [Alajar].

PEP: Talagang gusto mong maging artista, gusto mong maging full-time sa pagiging artista?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NINA: Opo. Kung puwede pong workshop ko, kahit halimbawa nagsisimula na ako sa project, pero yung workshop po, gusto ko tuloy-tuloy lang.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kailangan kong mag-improve. So [kung] anong pinapagawa nila sa akin, focus lang po ako. Halimbawang kailangang magalit sa acting, kung kailangang sampalin ko sarili ko, sinasampal ko pag acting po, para magalit," says Nina Kodaka.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results